Pumili ng Wika

Kumusta! Ako si

Simon Camacho.

Dedikadong Web Developer

Ako ay isang developer na labis ang pagsusumikap sa pag-aaral at pagpapalawak ng kaalaman sa larangan ng web. Determinado rin akong gumawa ng mga solusyon na nagbibigay ng magandang karanasan sa online. Lakbayin ang aking portfolio para makita ang aking lumalawak na kasanayan at dedikasyon sa dekalidad na pagbuo.

Resume

Tungkol sa Akin

Isang lalaking ngumingiti na naka long-sleeve shirt
Ang Aking Paglalakbay

Nagsimula ang aking pakikipagsapalaran sa web development noong natuklasan ko ang Frontend Mentor. Noong panahon na iyon, kaunti lamang ang aking kaalaman sa HTML at CSS, pero hindi ito naging hadlang para simulan ang hamon. Matapos ang ilang oras ng pag-Google at paghahanap ng solusyon, nabuo ko ang aking kauna-unahang proyekto. Ang kasiyahan na idinulot sa akin nang makita kong gumagana ito ay nagtulak sa akin na gawin ang mas mahihirap na hamon.

Sumunod, sinimulan ko namang buuin ang BMI Calculator. Gumagamit ito ng JavaScript, pero sa kabutihang-palad, hindi na ako masyadong nahirapan matutunan ito dahil bago pa man ako pumasok sa web development, gumagawa na ako ng mga games sa C++. Natapos ko ang challenge, pero upang mas mapalalim pa ang aking kaalaman sa teknolohiyang ito, nag-enroll ako sa kursong JavaScript sa codeguage.com.

Patuloy ang aking pag-aaral at paglutas ng mga challenges sa Frontend Mentor. Pagkatapos ng JavaScript, nagpasiya akong pag-aralan ang React JS, TypeScript, at Node.js. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga dynamic na web page at mga proyekto tulad ng To-Do List App, REST Countries API at Kanban Task Management App, naging mas mahusay ako sa pag-unawa sa mga teknolohiyang ito. Ang mga libreng online resources at dokumentasyon ay malaking tulong sa akin sa pag-unlad. Ang aking pag-aaral at praktikal na aplikasyon ng mga teknolohiyang ito ay nagbigay daan sa mas malalim na pang-unawa at mas malawak na kakayahan sa larangan ng web development.

Mahilig akong mag-aral at lumikha, at bawat proyekto ay isang bagong karanasan. Ang paglalakbay na ito ay nagsisimula pa lamang, at ako ay nasasabik para sa mga susunod na mangyayari. Sa ngayon, naghahanap ako ng full-time na posisyon kung saan maaari kong dalhin ang aking mga kasanayan at sigasig upang matulungan ang mga kumpanya na maabot ang kanilang mga layunin. Sabik akong sumali sa mga makabagong proyekto at makipagtulungan sa mga talentadong team sa kamangha-manghang mundo ng web development.

Ang Aking Mga Kasanayan
  • Javascript
  • Typescript
  • CSS
  • HTML
  • React
  • Next.js
  • Tailwind CSS
  • Styled Components
  • MongoDB
  • Express.js
  • Sass
  • Astro.js
  • Node.js
  • Zustand

Mga Gawa

Kanban Web App
Listahan ng mga teknolohiyang ginamit sa proyektong ito
  • MongoDB
  • Express.js
  • React
  • Node.js
  • Tailwind
  • Zustand

Pamahalaan at subaybayan ang iyong mga gawain gamit ang aking full-stack MERN web app. Piliin ang dark o light mode ayon sa iyong gusto. Puwede kang mag-sign up para i-save ang iyong data o gamitin ito nang walang account, salamat sa local storage. Masiyahan sa madaling drag-and-drop na pamamahala ng gawain.

Galugarin
Audiophile E-commerce Website
Listahan ng mga teknolohiyang ginamit sa proyektong ito
  • Next.js
  • Tailwind
  • Zustand

Ang multi-page e-commerce website na ito, na ginawa gamit ang Next.js, ay ganap na responsive at gumagamit ng local storage upang mapanatiling naka-store ang mga item sa cart. Mayroon itong modernong disenyo at madaling pag-navigate para sa mas pinagbuting karanasan sa pagbili.

Galugarin
FEM Pomodoro App
Listahan ng mga teknolohiyang ginamit sa proyektong ito
  • Javascript
  • Sass
  • HTML

Ang progressive web app na ito ay isang timer na inspirado sa Pomodoro at may kakayahang magamit ng user kahit naka-offline. May mga pagpipilian para baguhin ang hitsura nito at nagbibigay ng abiso sa mga notification.

Galugarin

Kumonekta

Makipag-ugnayan!

Kung mayroon kang kapana-panabik na proyekto sa isip, isang kamangha-manghang oportunidad sa trabaho, o nais mo lang bumati, ikagagalak ko itong marinig mula sa iyo!

Samahan mo ako sa Frontend Mentor!

Ang Frontend Mentor ay isang napakagandang platform upang hasain ang iyong mga kasanayan, at base iyon sa aking karanasan. I-follow mo ako upang makapagbahaginan tayo ng mga ideya at solusyon, talakayin ang iba't ibang paksa, at tingnan ang aking mga gawa!

Screenshots mula sa aking mga Frontend Mentor challenge solutions Screenshots mula sa aking mga Frontend Mentor challenge solutions
Maglaro tayo ng Chess!

Naglalaro ka ba ng chess? Ako rin! Ito ang madalas kong gawin sa aking bakanteng oras dahil nakakarelax ito at nakakapaghasa ng aking pag-iisip. I-add mo ako sa Chess.com at hamunin sa isang laro. Nasasabik akong makipaglaro at matuto mula sa iyo!

Listahan ng mga seksyon na pwedeng puntahan
Listahan ng mga seksyon na pwedeng puntahan